Iniulat na binili ng American businessman na si Josh Kushner at dating Disney executive na si Bob Iger ang Los Angeles Lakers sa halagang $12.5 billion.Kapital sa Pakikipagsapalaran
Nabatid na kukunin nina Kushner at Iger ang controlling interest sa Lakers mula kay Mark Walter, na bumili ng majority stake sa koponan mula sa pamilyang Buss sa halagang $10 billion noong Oktubre 2025.
Sinabi nina Kushner at Iger na malaking karangalan para sa kanila ang maging bagong mangangasiwa ng isa sa pinakakilalang basketball teams sa mundo.
Nangako rin silang ipagpapatuloy nila ang tagumpay ng Lakers at palalakasin ang ugnayan ng koponan sa mga tagahanga at sa Los Angeles.
Samantala, sinabi ni Walter na isa sa pinakamalaking karangalan ng kaniyang buhay ang pagmamay-ari ng Lakers, at naniniwala siyang marami pang tagumpay ang naghihintay sa koponan.
Bago ang pagbili sa Lakers, iniulat na kabilang sina Kushner at Iger sa mga interesadong grupo na naghahangad makakuha ng NBA expansion team sa Las Vegas.Balitang Pang-kumpanya
Ang Lakers, na itinatag noong 1947, ay nakapaglaro sa 32 NBA Finals at nagkampeon ng 17 beses, pangalawa lamang sa Boston Celtics na may 18 titulo.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

