Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes ang libreng towing para sa mga sasakyang nalubog o naipit sa baha sa gitna ng matinding pag-ulan dulot ng habagat.
“Maaaring dalhin ang sasakyang ire-request na ipa-tow sa bahay ng may-ari o sa paggawaan. Limitado lamang sa Metro Manila ang lugar na pagdadalhan ng sasakyan,” pahayag ng MMDA.
Para humiling ng libreng towing, pinayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa mga social media account ng MMDA.
Ilang lugar sa Metro Manila ang binaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat nitong mga nakaraang araw, habang marami ring motorista at commuter ang na-stranded.
Nauna nang ipinag-utos ng Malacañang ang pagpapatupad ng alternative work arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at iba pang lalawigan ngayong araw.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

