Patay ang dalawang katao at 10 ang malubhang nasugatan nang magpagulung-gulong at mag-dive sa bangin ang kanilang sinasakyang pick-up type multicab na galing sa outreach mission sa Sitio Mudon, Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato nitong Sabado, August 16.
Iniulat nitong Linggo ni Leonardo Ballon, tagapamahala ng Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at ng mga barangay officials na ang insidente ay naging sanhi ng pagkamatay ng driver ng nasabing multicab na kinilalang si Joey Areglado, at isa sa kanyang pasahero na si si Marilyn Antonio.
Kinumpirma rin ni Ballon at ng mga imbestigador ng Surallah Municipal Police Station na 10 pang pasahero ng multicab ang nagtamo ng matitinding sugat at bali sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na ngayo’y nilalapatan ng lunas sa ospital.
Lumalabas sa imbestigasyon na lahat ng mga biktima, mula sa Seventh-Day Adventist community sa Surallah, ay pauwi na sa kanilang mga tahanan mula sa isinagawang outreach mission sa Barangay Upper Sepaka, nang bigla umanong mawalan ng kontrol si Areglado sa minamanehong multicab dahil sa mechanical trouble.
Sinabi ng mga saksi sa mga barangay officials at police investigators na nakita nilang nagpagewang-gewang muna ang multicab at biglang lumihis sa gilid ng kalsada saka mabilis na nagpagulong-gulong bago nag-landing sa bangin.
Trending
- June Mar purnada retiro sa Gilas Pilipinas
- Gilas Pilipinas Women dumating na sa Mexico
- MTRCB, binigyan ng PG at R-13 rating ang mga ganap sa sine
- Bimby, pinapakalma kay Ryzza
- Bea at Vincent, wala pa rin honeymoon
- LTO personnel, sangkot sa hit-and-run sa Antipolo; nakabangga ng pedestrian
- 27 na patay, 18 sugatan at 2 ‘missing’ sa Habagat
- Multicab nahulog sa bangin: 2 patay, 10 sugatan

