“Kapag lumago hindi na hihinto” kaya tuloy-tuloy din ang lumalakas na star power ni Pinay tennis star Alex Eala na ngayo’y may isa na namang bagong ‘major major’ na endorsement.

Patunay nga ng mainit na popularidad ni Alex hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagiging brand ambassador nito ng travel loyalty program ng isang kilalang hotel chain.

Opisyal nang kinilala si Alex bilang ambassador ng “Tennis The World” campaign ng Marriot Bonvoy, ang travel and hotel loyalty program ng Marriott International.

Target nito ang mga traveller at tennis afficionados.

“Anyone else love travel as much as they love tennis?

“Our new Brand Ambassador @alex.eala knows you can have both. Our properties are home to some of the most picturesque courts around the world, so you can travel and Tennis The World,” ayon sa Instagram post ng Marriott Bonvoy na nakapost din sa IG account ni Alex.

Proud na proud naman ang sambayanang Pinoy sa bagong achievement na ito ni Alex.

=====

Share.