Happy si Max Collins dahil maganda ang co-parenting agreement nila ng ex na si Pancho Magno sa anak na si Skye mula nang maghiwalay sila noong 2023.
Sa panayam sa kanya sa isang vlog, inamin niyang hindi naman siya nahirapang ipaliwanag sa anak kung bakit di nagsasama ang parents nito sa isang bubong.
Sa ngayon, pinagsasaluhan nila ni Pancho ang pagbibigay ng atensyon sa kanilang anak.
Siya rin ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya.
Bukod kasi sa mga empleyado sa kanyang kumpanya, siya rin ang nagtataguyod sa kanyang nanay at kapatid.
Malaki rin ang inilalaang oras ni Max para mapanatili ang kanyang kaseksihan.
Aniya, aware raw kasi siya na puhunan niya ang alindog sa showbiz kaya pinangangalagaan niya ito.
Sa kanya rin daw natotoka ang pagpapa-seksi sa serye nila ni Dingdong Dantes dahil di pa raw ito keri ng younger cast.
Sa usapin naman ng lovelife, hindi raw niya isinasara ang pinto sa pagkakaroon ng future dyowa.
Gayunpaman, never na raw siyang magpapatali o pakakasal dahil sa kumplikasyon ng kanyang first marriage kay Pancho.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

