Umabot na sa ₱689.66 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng Tropical Cyclones Luis at Maymay at ng pinalakas na habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Halos doble ito kumpara sa naunang ulat na ₱347.37 milyon noong Miyerkules.
Apektado ang 21,115 magsasaka sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas. Nasira ang humigit-kumulang 17,527 metric tons ng mga produktong agrikultural at 19,634 ektarya ng lupang sakahan.
Kabilang sa mga naapektuhang produkto ang palay, mais, kamoteng kahoy, high-value crops, mga alagang hayop at manok, pati mga pasilidad, makinarya, at kagamitan sa agrikultura.
Pinakamalaki ang pinsala sa palay, na umabot sa ₱451.42 milyon o 65.46% ng kabuuang pagkalugi.
Sumunod ang high-value crops tulad ng gulay, pampalasa, legumes, calamansi, citrus, durian, lanzones, papaya, rambutan, pakwan, saging, root crops, at ornamental plants, na may pinsalang ₱147.30 milyon.
Patuloy pa ring nagsasagawa ng pagsusuri at beripikasyon ang DA kaya inaasahang maaari pang tumaas ang kabuuang halaga ng pinsala.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

