Mukhang walang balak patulan ni Bianca Umali ang ingay na nilikha ng pag-amin ni Ruru Madrid tungkol sa kanyang naging pagkakamali sa kanilang relasyon.
Sa halip na magsalita tungkol sa kontrobersiya, mas piniling ibahagi ng aktres ang isang masayang bonding nila ng kanyang boyfriend.
Sa Instagram, ipinakita ni Bianca ang kanilang spontaneous road trip kung saan makikitang nag-e-enjoy silang dalawa habang nagbibiyahe, nagkukuwentuhan at nagja-jamming.
“Sponty road trips are the best with the bestie!” caption ni Bianca sa kanyang post.
Dahil dito, napansin ng netizens na tila hindi hinayaan ni Bianca na makaapekto sa kanilang relasyon ang muling pag-usapan online ang pagtataksil na inamin ni Ruru.
Sa naging guesting naman ng aktor sa “Fast Talk with Boy Abunda,” diretsahan niyang kinumpirma na minsan siyang nagkamali sa relasyon nila ni Bianca.
Aniya, nangyari ito noong 20 anyos pa lamang siya at naging malaking realization para sa kanya ang nangyari.
Ayon kay Ruru, malaki ang ipinagpapasalamat niya kay Bianca dahil matapos ang kanilang walong buwang paghihiwalay ay tinanggap siya nitong muli.
Sa ngayon, mukhang mas pinipili ng magkasintahan na i-enjoy ang kanilang relasyon kaysa makisawsaw sa mga komento at usap-usapan tungkol sa nakaraan nila.
======
Trending
- Frank Lao, bagong pangulo ng PNVF
- Beermen tinambakan ang Macau 131-79
- Bianca ‘chill’ lang sa cheating confession ni Ruru
- Kris Aquino todo-tiis sa sakit para sa showbiz comeback
- Teaser ng Viva Hot Babes, lumikha ng ingay
- 100m porsyon ng dike sa Pampanga, gumuho
- 5 estudyante nasawi sa landslide sa Baguio – DepEd
- 10 na nasawi sa landslide sa Baguio City; mga nawawala, na-recover na

