Aksidenteng nahulog ang isang lalaki mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali ng kanilang tinitirahan sa kasagsagan ng masamang panahon sa Barangay 160, Baesa, Caloocan City.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nang matanggap ang ulat tungkol sa insidente, na nangyari noong Lunes ng hapon..
Mabilis ding isinugod sa ospital ang lalaki para sa kinakailangang atensiyong medikal.
Ayon sa paunang impormasyon, kasalukuyan na siyang nagpapagaling.
Samantala, nagpaalala si Barangay Captain Dave Alonzo sa mga residente na maging mas maingat at alerto, lalo na sa gitna ng masamang panahon.
Hinikayat din ang publiko na unahin ang kaligtasan at agad humingi ng tulong sa mga awtoridad sakaling magkaroon ng emergency.

