Masayang-masaya si Liza Soberano sa direksiyon ng kanyang career sa Hollywood, lalo na’t sunod-sunod na rin ang mga oportunidad na dumarating sa kanya.
Isa sa mga inaabangan niyang proyekto ang animated film na “Forgotten Island” ng DreamWorks, kung saan siya ang nagbigay ng boses sa lead character na si Raissa.
Nakatuon ang kuwento sa mga Pinoy at sa kultura ng Pilipinas kaya espesyal para kay Liza ang pagkakasama niya sa pelikula.
“It’s a super dream come true for me personally na makakita ng project that’s very global and showcases Filipino and our culture,” pahayag ng aktres. PangkalahatangSanggunian
Hindi rin niya maitago ang excitement tuwing may promotional activities para sa pelikula.
“Every time I do press junkets or anything with them, I always end up crying ‘cause I’m just proud and I’m excited for people to see it,” ani Liza.
Para sa aktres, malaking bagay ang unti-unti niyang pag-abot sa mga pangarap niya sa international scene matapos ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa personal at professional na buhay.
“I’m really happy that I’m slowly getting there and slowly achieving my dreams. I mean, it wasn’t easy, there was a lot of hardships that I had to go through,” aniya.
Dagdag pa niya, naging mahalaga rin ang paninindigan niya sa kanyang mga pangarap.
“I am very happy that I stayed consistent and that pinanindigan ko talaga lahat ng pangarap ko,” sey niya, dahil nais din niyang magsilbing inspirasyon sa mga taong may pangarap na tila mahirap abutin.
Bukod sa “Forgotten Island,” may iba pa umanong pinagkakaabalahan si Liza na proyekto na inaabangan niyang maipahayag sa tamang panahon.
=====
Trending
- Bacaro, Colonia nagwagi ng medalya sa Uzbekistan
- Manlalaro ng Ateneo Men’s basketball , biktima rin
- Liza Soberano unti-unting naaabot ang Hollywood dream
- Sophia Laforteza pahinga muna para sa mental health
- Awra Briguela binalikan ang nagawang pagkakamali
- NEA dapat tutukan ang rural electrification program
- ‘Di susuko ang Pilipinas sa Bajo de Masinloc
- Robin Padilla, misis ni Bato nagkita sa Davao

