Hindi na muna magbabayad ng kani-kanilang terminal fee ang mga PUV na nasa SM ang kanilang sakayan o terminal.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Banoy Lopez, nasa 86 na mall ang pumayag na i-waive ang buwanang terminal fee o membership.
Ani Banoy, pormal na itong magsisimula sa Agosto 15.
Binigyang-diin din ni Banoy na kahit hindi pa napapatupad ang fare hike na hirit ng iba’t ibang transport group ay gumagawa ng paraan ang pamahalaan para matugunan ang problema.
Kasama na rin dito ang layuning mapangalagaan ang kapakanan ng commuting public.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

