Nakakabit pa ang umbilical cord nang madiskubre ang bangkay ng isang sanggol na lalaki na natagpuang patay sa loob ng isang basurahan malapit sa boarding house sa Brgy. Cangawa, Buenavista, Bohol.
Sa report ng pulisya, isang residente sa lugar ang nakadis-kubre sa nasabing sanggol noong Lunes, August 3, ng gabi at ini-report ang insidente sa pulisya.
Sa testimonya ng saksi, na nagtataka umano siya dahilan pinagpipiyestahan ng mga bangaw ang basurahan na may masangsang na amoy dahilan sa malansang dugo ng nasabing sanggol na may umbilical cord pa.
Laking gulat ng nasabing residente nang madiskubreng patay na bagong silang na sanggol na lalaki ang nasa loob ng basurahan.
Nitong Martes, August 4, isa namang 20-anyos na kolehiyala ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at inaming siya ang ina ng itinapong sanggol.
Ang nasabing estudyante na dinudugo pa ay mabilis namang isinugod sa pagamutan para sa kaukulang medikal na atensiyon.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang kasong ito upang mabatid kung sino ang nasa likod ng pagtatapon ng nasabing sanggol sa basurahan at kung may pananagutan ba sa insidente ang kolehiyalang ina nito.
Trending

