Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na pansamantalang suspendihin ang implementasyon ng Real Property and Assessment Reform Act o Republic Act No. 12001 upang maiwasan ang dagdag na gastos sa mga ari-arian at mga negosyo.
Ang panukala ng Pangulo ay ginawa nito sa ikaapat na Legislative -Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacañang nitong Huwebes ng hapon.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nais ng Pangulo na suportahan ang mga pamumuhunan, at matiyak ang dahan-dahang transisyon tungo sa bagong valuation system.
“Nagpanukala ang Pangulo sa dalawang kapulungan sa LEDAC meeting nitong August 6, 2026 na pansamantalang pagsuspinde ng pagpapatupad ng RPVARA,” ani Castro.
Nagsimula ang LEDAC meeting alas-3 ng hapon na tumagal ng tatlong oras kung saan tinalakay ng mga priority bills ng administrasyon para maisalang agad sa 20th Congress.
Sinabi ni Castro na 24 na legislative agenda bills ang prayoridad ng administrasyon na maipasa hanggang sa katapusan ng June 2027.
Kabilang na dito ang Anti-Political Dynasty Bill; Party list System Reform Act; Right to Information Act; General Tax Amnesty; pag-amiyenda sa Epira law; Sariling Kuryente Act at iba pa.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

