Nanguna ang bilyonaryong si Enrique Razon Jr. sa listahan ng Forbes Philippines’ 50 Richest para sa 2026.
Umabot sa record na $21.8 bilyon ang net worth ni Razon matapos halos dumoble ang kanyang yaman bunsod ng patuloy na global expansion ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI).
Bumagsak naman sa ikalawang puwesto ang Sy siblings na may pinagsamang net worth na $9.2 bilyon, mas mababa kumpara noong nakaraang taon dahil sa paghina ng shares ng property giant na SM Prime Holdings.
Pumangatlo naman si San Miguel Corp. chairman at CEO Ramon Ang na may tinatayang yaman na $3.5 bilyon.
Nasa ikaapat na puwesto sina Puregold founders Lucio at Susan Co na may $3.3 bilyon, ang kanilang unang pagpasok sa top five ng listahan.
Pumanglima naman sina DMCI chairman Isidro Consunji at kanyang mga kapatid na may pinagsamang net worth na $3 bilyon.
Pasok din sa top 10 sina Lucio Tan na may $2.9 bilyon, Jaime Zobel de Ayala na may $2.8 bilyon, Que Azcona family na may $2.5 bilyon, Manuel Villar na may $2.4 bilyon, at Ty siblings na may $2.3 bilyon.
Sa kabuuan, bumaba ng walong porsiyento ang pinagsamang yaman ng 50 pinakamayayamang indibidwal at pamilya sa Pilipinas, mula $86 bilyon noong nakaraang taon tungo sa $79 bilyon ngayong 2026.
Ayon sa Forbes, kabilang sa mga dahilan ng pagbaba ng kabuuang yaman ng mga pinakamayayamang Pilipino ang paghina ng paglago ng ekonomiya, mataas na inflation at mahinang halaga ng piso.
Trending
- Obiena nakamit ang gintong medalya sa Germany
- Alex Eala, Venus Williams bigo sa Canadian Open doubles
- Ara, pumalag sa isyung hiwalay na sila ng asawa
- James, hinarana si Kathryn
- Petsa ng bday ni Vice, pina-tattoo ni Ion!
- Pagbagal ng inflation ikinatuwa ng Malakanyang
- P1,000 buwanang ayuda sa minimum wage families
- Mabilis, de-kalidad na paggawa ng batas, ipagpapatuloy ng Kamara

