Pormal nang hiniling ng Estados Unidos sa Pilipinas ang extradition ni Pastor Apollo Quiboloy upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa naturang bansa, ayon sa matataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon sa mga source ng BNC, ipinadala noong nakaraang buwan ng US Embassy sa Maynila ang kahilingan sa Department of Foreign Affairs (DFA), na siya namang nagpasa nito sa Department of Justice (DOJ).
Sa ngayon, nirerepaso na umano ng DOJ ang extradition request ng US.
Noong 2021, sinampahan si Quiboloy ng US federal grand jury ng mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children, at bulk cash smuggling.
Dahil dito, isinama siya sa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI).
Kasalukuyang nakadetine si Quiboloy sa Pasig City Jail kaugnay ng mga kasong sexual abuse, child abuse, at human trafficking na kinahaharap niya sa Pilipinas.
====
Trending
- Kapakanan ng mga magsasakang maaapektuhan ng Pax Silica, ‘di dapat isantabi
- Higit 80K apektado kay Luis, Maymay, Habagat
- Quiboloy pinapa-extradite mula ‘Pinas
- Tambay sa Pinas nasa 2.59M noong Hunyo
- WTA rankings ni Alex Eala umangat sa No. 20
- Alas Pilipinas Women giba sa Indonesia, winless sa SEA V Cup Leg 1
- Yassi binigyan ng bf ng engagement ring, lupa’t cash
- Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!

