Inanunsiyo ni US President Donald Trump na pansamantalang kinansela ng Estados Unidos ang planong military attack sa Iran matapos humingi ng karagdagang oras ang huli at ilang bansa sa Gitnang Silangan upang tapusin ang isang kasunduan.

Sa kanyang opisyal na pahayag sa Truth Social nitong Agosto 2, sinabi ni Trump na kasado na ang puwersa ng US laban sa Islamic Republic of Iran sa antas na hindi pa nakikita mula noong World War 2.

Pero aniya, pinagbigyan niya ang kahilingan para sa kapakinabangan ng mundo sa hinaharap, gayundin ang kaligtasan ng isang matagumpay at maunlad na Iran.

Sumama raw sa commitment nilang ito ang bansang Israel.

Kabilang aniya sa mga pangunahing kondisyon ng kasunduan ang agaran at kumpletong pagbubukas ng Strait of Hormuz pati na rin ang pagwawakas ng nuclear threat ng Iran. 

===

Share.