Pinakamalaking negosyo umano ng mga alkalde sa buong Pilipinas ang basura, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
“Pinakamalaking negosyo ng lahat ng mayor ng Pilipinas. Lahat, walang exception. Baka sa Pasig lang matino,” ani Remulla.
Ayon sa Ombudsman, isa ito sa mga dahilan kung bakit muling binubuhay ang Resident Ombudsman Program, kung saan magtatalaga ng resident ombudsman sa mga ahensya ng pamahalaan upang palakasin ang kampanya laban sa korapsyon.
“Ang laki ng pagkukulang ng [Department of Environment and Natural Resources], sa basura tsaka sa lahat. Land titles, illegal reclamation,” dagdag pa ni Remulla.
Hindi naman nagbigay ang Ombudsman ng karagdagang detalye kaugnay ng kanyang pahayag.
===
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

