Kinilig ang mga KimPau fans matapos kumalat sa social media ang mga larawan nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Sydney, Australia, kung saan sila nakatakdang magtanghal para sa “ASAP XP Australia.”
Ayon sa kanilang mga tagasuporta, good vibes ang hatid ng tambalan sa bawat larawan at video na lumalabas mula sa kanilang Australia trip.
Kaya naman agad na pinagpiyestahan online ang bawat update tungkol sa dalawa.
Mukhang ibinaling na rin ng mga KimPau fans ang kanilang atensyon sa Sydney trip ng love team matapos ang naging usap-usapang isyu ni Kim kay Vice Ganda.
Sa halip na patulan ang kontrobersiya, mas abala na raw sila sa pagsuporta sa mga bagong ganap nina Kim at Paulo.
Tsika pa ng ilang fans, may mga kapwa KimPau supporters na rin silang nasa Sydney na personal na manonood at susuporta sa kanilang idolo.
Patuloy ding inaabangan ng mga tagahanga ang bawat galaw ng dalawa sa Australia.
Kada may lumalabas na litrato nina Kim at Paulo na magkasama, mabilis itong ibinabahagi sa social media.
Excited din ang kanilang fans sa posibilidad na makita silang mamasyal, mag-shopping at magkaroon pa ng mas maraming sweet moments habang nasa Sydney.

Share.