Masayang-masaya si Janine Gutierrez na makasama ang kanyang nobyo na si Jericho Rosales sa kanilang unang TFC show bilang magkasintahan sa London.
Kasalukuyang nasa United Kingdom ang dalawa para sa Barrio Fiesta London 2026 na gaganapin sa July 26 sa Apps Court Farm sa Walton-on-Thames, Surrey.
Ayon kay Janine, doble ang excitement niya dahil unang beses niyang sasabak sa Barrio Fiesta at matagal na rin mula nang huli siyang makabalik sa London.
“Ako, excited kasi it’s my first time to do Barrio Fiesta. Matagal na rin akong ‘di nakakapunta sa London so I’m excited to see the Kapamilyas in the UK. I’m just happy kasi siyempre you get to celebrate with our OFWs and sana maging happy sila na makita kami,” saad ni Janine.
Dagdag pa ng aktres, isa rin sa pinakaaabangan niya ang personal na makapagpasalamat sa mga Pinoy sa United Kingdom na patuloy na sumusuporta sa mga Kapamilya shows.
“Ako, siyempre, happy ako na makapag-thank you ng harap-harapan sa lahat ng suporta nila sa mga palabas natin, of course. ‘Yun nga, makisaya lang. And hopefully, makapagdala ng konting ligaya sa mga Kapamilya,” ani Janine.
Pagdating ng magkasintahan sa London ay agad silang sinalubong ng media, kung saan ibinahagi ni Jericho na maayos ang kanilang naging biyahe at excited na rin silang makasama ang mga Kapamilya roon.
“We’re very happy, we’re here now. Our flight was good,” sey ni Echo.
Nang tanungin kung ano ang inaabangan nila sa London, pabirong sinabi ng aktor na gusto nilang tikman ang mga pagkain at maranasan ang picnic-style atmosphere ng Barrio Fiesta.
“We’re just going to eat your food. We heard that you guys love like picnic, and then, there’s stalls, and things happening, so makikikain kami,” sey niya.
Ayon pa kay Jericho, magiging espesyal ang kanilang biyahe dahil ito ang unang pagkakataon na magkasama silang magpe-perform ni Janine sa iisang show bilang magkasintahan.
“Of course, performing together, I mean, being in the same show together is quite memorable for us already. It’s a first, so, masaya,” dagdag pa ni Echo.
====
Trending
- Terrafirma tinalo ang TNT sa OT
- Gardner College nakuha ang titulo sa Cheng Hoo Cup
- Janine masayang makasama si Jericho sa London
- Julia Barretto, Joshua Garcia muling magpapakilig
- Maymay Entrata sinorpresa ng bf sa 1st anniv
- Sirit-HIV ibinabala sa $7.3B tapyas-pondo
- Ombudsman walang sasantuhin sa flood control probe
- System loss sa kuryente, ‘di maiiwasan – Meralco

