Mukhang may bagong aabangan ang mga JoshLia fans dahil muling magsasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa isang teleserye matapos ang halos siyam na taong paghihintay.
Nakatakda umano itong mapanood sa isang kilalang streaming platform sa susunod na taon.
Ayon sa source ng Abante, pinaghandaan ang proyekto at swak na swak umano kina Julia at Joshua ang mga karakter na kanilang bibigyang-buhay.
Matatandaang noong 2018 pa huling napanood na magkasama sina Julia at Joshua sa teleseryeng “Ngayon at Kailanman.”
Simula noon ay nagkaroon sila ng magkakahiwalay na proyekto at iba’t ibang naging kapareha sa telebisyon at digital platforms.
Gayunman, muling nagtagpo ang kanilang landas sa blockbuster film na “Un/Happy for You” noong 2024 na muling nagpasigla sa kanilang fandom.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na detalye tungkol sa serye, ngunit inaasahang ihahayag ng ABS-CBN Studios ang buong proyekto bago matapos ang taon.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

