Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa kanyang puwesto.
“Never gonna happen. Hindi ako magre-resign. Dahil ‘yun ay parang betrayal sa 32.2 million na mga kababayan natin na bumoto sa akin,” ani Duterte.
“Gusto ni BBM tanggalin niya ako. Gawin niya ang lahat, tanggalin niya ako,” dagdag pa niya.
Ginawa ng Bise Presidente ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Filipino community sa London, United Kingdom nitong Sabado.
Sa ngayon, sinabi ni Duterte na nakatuon siya sa trabaho ng Office of the Vice President at sa kanyang defense team kaugnay ng impeachment case laban sa kanya.
“Lagi ako nagpapasalamat sa legal team, sa defense team, at sa mga kababayan natin sa suporta nila sa akin, at siyempre sa tulong nila sa akin at patuloy nilang pagtitiwala sa Office of the Vice President,” ani Duterte.
“Kahit pa man na sinabi ko na tatakbo ako sa 2028 elections, lahat ng preparations do’n ay mangyayari kapag tapos na ang impeachment trial,” dagdag niya.
Magpapatuloy ang impeachment trial laban sa Bise Presidente sa Senate impeachment court sa Miyerkoles, Hulyo 29, matapos bigyang-daan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.
=====

 
Share.