Nagpatupad ang United States ng karagdagang 12.5% taripa sa mga export ng Pilipinas.
Ito ay matapos aprubahan ni US President Donald Trump ang umano’y ‘penalty’ sa mga bansang hindi sapat ang hakbang laban sa mga produktong gawa sa forced labor.
“Philippines has failed to impose and effectively enforce a forced-labor import prohibition,” ayon sa Office of the United States Trade Representative (USTR).
“The United States has had a forced labor import ban for nearly a century, and rigorously enforces it; it’s well past time for our trading partners to do the same,” pahayag pa ni US Trade Representative Jamieson Greer.
Inaasahang makaaapekto ang bagong taripa sa export sector ng bansa dahil ang US ang pinakamalaking export market ng Pilipinas, na umabot sa $13.44 bilyon ang halaga ng iniluwas noong 2025.
Trending
- Curry, unang active NBA player sa Hall of Fame exhibit
- Duplantis handa na sa European Championships
- Joshua, in-unfollow na si VP Sara at Sen. Alan Peter!
- Ate Vi, may panawagan sa mga magulang!
- Jon Santos, nagka-cancer, gumaling
- PBBM :‘reset’ ang relasyon ng Pilipinas, China
- Tubig sa Angat, bumaba sa kritikal na antas
- Gastos ng US sa digmaan sumampa na sa $37.5B

