Mas lalo pang napansin ng kanilang mga tagahanga ang pagiging inseparable nina Klea Pineda at Janella Salvador matapos magkasama ang dalawa sa pagbili ng bagong sasakyan ng aktres.
Sa Instagram, ibinahagi ni Klea ang ilang larawan ng kanyang brand new pickup truck kung saan makikitang kasama niya si Janella sa espesyal na okasyon.
“Meet ‘Paps’,” caption ni Klea sa kanyang post.
Hindi rin nagpahuli si Janella at nag-iwan ng komento.
“Papichuloooooooooo,” komento ni Janella.
Samantala, isang netizen naman ang pabirong nagkomento.
“Ang ganda ng car ganda pa ng gf,” hirit ng netizen.
Napansin din ng marami na tila mas lalo pang tumitibay ang samahan ng dalawa.
Kamakailan lamang ay bumili rin sila ng magkatabing lote at madalas ding magkasama sa mga biyahe kasama ang anak ni Janella na si Jude.
Sa naunang panayam ni Klea sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inilarawan pa niya si Janella bilang kanyang tahanan.
“Si Janella sa buhay ko, tahanan. Home. Wala eh, nakakalma niya ‘yung lahat ng ingay. Nakakalma niya lahat ng ingay sa isip ko,” pahayag ni Klea.
May matamis ding paglalarawan si Janella para kay Klea.
“My favorite gay. And hopefully someone who will stay,” ani Janella.
====
Trending
- Aerobic Gymnastics Asian Championships ng Senior sa Agosto 4-7
- Gilas bumagsak sa 39th sa FIBA world rankings
- Yassi, Cong. Luigi nag-celebrate matapos ang engagement announcement
- Donny, Belle ‘di na sweet sa isa’t isa?
- Klea, Janella magkasama sa pagbili ng bagong sasakyan
- Kamara, handa na sa Ika-5 SONA ni PBBM
- NBI kinuwestiyon sa magkaibang treatment kay VP Sara sa teacher na nagbanta kay Digong
- Subpoena sa financial records ni VP Sara, inilabas na

