Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang misis ang kanyang mister nang tangkain ng huli na patayin ang una, kamakailan sa Tacloban City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si “Tino”, 67-anyos; at nakakulong naman ang misis nitong si “Zelda”, 58, isang vendor.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente kamakalawa ng gabi sa mismong bahay ng mag-asawa sa Barangay 98, Camansihay, Tacloban City.
Ayon kay PCapt Jefferson Arellano, OIC Station 3 commander ng Tacloban City Police Office, nagkaroon ng away ang mag-asawa na humantong sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng 19-pulgdang jungle bolo ang mister.
Tinangkang tagain ng mister ang kanyang misis, gayunman, nakailag ang ginang at mabilis na naagaw nito ang itak sa asawa.
Hawak nang mahigpit ang jungle bolo, dito na pinagtataga ng misis ang kanyang mister sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Inaalam pa ng pulisya ang pinag-awayan ng mag-asawa. Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek matapos ang krimen.
—–
A wife hacked her husband to death after he attempted to kill her recently in Tacloban City.
The victim, “Tino,” 67 years old, was dead on the spot, while his wife, “Zelda,” 58, a vendor, is now in custody.
According to the initial investigation, the incident occurred the night before last at the couple’s home in Barangay 98, Camansihay, Tacloban City.
PCapt Jefferson Arellano, OIC Station 3 commander of the Tacloban City Police Office, stated that the couple had an argument that escalated into a heated confrontation, leading the husband to grab a 19-inch jungle bolo.
The husband attempted to hack his wife, but she managed to dodge and quickly seized the bolo from him.
Firmly holding the jungle bolo, the wife then hacked her husband in various parts of his body.
The police are still investigating the cause of the couple’s argument. The suspect surrendered to the authorities after the crime.