Umani ng matinding batikos mula sa netizens si content creator at negosyanteng si Boss Toyo matapos niyang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David tungkol sa umano’y ilegal na dumpsite sa isang Aeta ancestral land sa Subic, Zambales.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Boss Toyo ang pagbisita niya sa lugar na tinawag niyang “ground zero” at sinabing wala siyang naamoy na mabahong amoy.
Ayon pa sa kanya, sinabi umano ng mga nakausap niyang residente na wala ring halos langaw sa lugar at pribadong indibidwal na raw ang may-ari ng lupa.
Dahil dito, maraming netizens ang bumatikos sa kanya at sinabing tila minadali niya ang pagkuwestiyon sa dokumentaryo nang hindi muna inaalam ang buong konteksto ng isyu.
Maging si Kara David ay nagbigay ng pahayag sa comments section ng isang content creator na nagbahagi ng screenshots ng post ni Boss Toyo.
“Mahigit isang buwan po naming sinaliksik ang isyung ito. DENR mismo ang nagpasara sa dumpsite dahil ito ay declared illegal. NCIP mismo ang nagsabi, na ito ay ancestral land (not owned by a private individual). Nag-interview kami ng mga Ayta at pinuntahan ang mga bahay nila. At para patas, kinuha din namin ang panig ng mayor’s office. Malinaw na may paglabag sa batas at sinabi ng mayor’s office, we accept accountability. Napanood n’yo naman siguro. Kayo na lang po ang humusga,” pahayag ni Kara David.
Samantala, may ilang netizens ang naniniwalang posibleng ibang lugar ang napuntahan ni Boss Toyo.
Ayon sa kanila, maaaring ang nakita nito ay ang Sitio Alibang at hindi ang Sitio Tibag na siyang tampok sa dokumentaryong “Ibinasurang Paraiso.”
Trending
- Pilipinas mag-ho-host ng Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships
- Boss Toyo kinuyog nang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David
- Will Ashley nakatanggap ng ‘high score’ sa panliligaw kay Mika Salamanca
- Kuya Jobert binatikos ang promo ni Ivana Alawi sa online sugal
- 4 katao arestado sa higit P1m pekeng fertilizer
- Ex-BIFF member na sangkot sa SAF 44 incident, pananambang sa Shariff Aguak arestado
- ‘Tulay ng Pangulo’ sa Zambo , gumuho: Dump truck nahulog sa ilog
- 21 impormante ng PNP tumanggap ng P9.2m reward

