Panalo pa rin sa puso ng mga Pinoy si Senador Robin Padilla matapos nitong manguna sa isinagawang survey ng Pulse Asia para sa darating na 2028 senatorial elections.
Sa survey, nakakuha si Padilla ng 48.4% voter preference.
Pumangalawa sa kanya si Pasig City Mayor Vico Sotto na may 47.9%.
Sumunod sa listahan ang broadcaster na si Raffy Tulfo na may 43.9%, sinundan ni Sen. Alan Peter Cayetano na may 43.2%, at Loren Legarda na may 40.3%.
Pasok din sa tinatawag na “Magic 12” ang mga dating senador na sina Manny Pacquiao (35.6%), Nancy Binay (32.4%), at Sonny Angara (27.2%).
Patok ding maging senador kung ngayon isasagawa ang halalan sina Mark Villar (26.1%), Ben Tulfo (20.7%), Jinggoy Estrada (19.5%), at Willie Revillame (19.0%).
Samantala, pawang may tsansang makahabol depende sa magiging takbo ng kampanya sina Chiz Escudero (17.2%), Mike Defensor (17.1%), Mar Roxas (17.1%), Benhur Abalos (17.0%), at Mark Lapid (16.9%).
Isinagawa ang survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3, 2026.
===

Share.