Pumanaw na si NCAA champion JV Gallego sa edad na 28 dahil sa aksidente.
Nangyari ang aksidente nitong madaling araw ng Sabado sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX).
Lulan ng biktima ang kaniyang puting Honda BR-V ng bumangga ito sa concrete barrier sa Libtong exit.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima maging ang sakay nito na kinilalang si Chloe Carillo sa Meycauyan Doctors Hospital subali’t dineklarang dead on arrival si Gallego.
Nagpaabot ng pakikiramay naman ang San Beda University Alumni Association.
Nagkampeon si Gallego sa NCAA 99 kasama ang San Beda Red Lions.
Trending
- SC sa Ombudsman: Magsampa ng reklamo sa tiwaling hukom kung may ebidensya
- 6,253 na kaso ng leptospirosis sa bansa
- Pag-iisyu ng arrest warrant vs VP Sara kinondena
- Tony Parker, iba pang basketball icons pinainit ang NBA House Philippines 2026
- Naomi Osaka agaw-eksena bago ang unang laban sa US Open
- 8 pelikula, na-shortlist sa 99th Oscars
- Liza, balik-Pinas, sumakay ng jeep
- “Keffe D” hinatulang guilty sa pagpatay kay Tupac

