Another wish on her bucket list has been fulfilled.
Ito ang pagpapa-rhinoplasty ni Awra Briguela para magmukhang Latina.
Nitong July 14, Awra shared her rhinoplasty journey.
“Surgery ko po today, at magpapagawa po ako ng nose,” ani Awra sa YouTube.
Matagal na palang pangarap ito ng komedyante.
In fact, ‘yun na lang daw ang kulang sa kanya.
Pero paglilinaw niya, hindi naman daw siya insecure sa kanyang ilong dahil hindi naman siya pango.
She just felt she needed enhancement, o konting pagpapaganda.
Sa Instagram Story, finlex niya ang kanyang “lumang ilong.”
Before going under the knife, kinonsulta muna daw niya ang kanyang parents at close friends.
Very supportive naman daw ang mga ito.
Whose nose nga ba ang gustong peg ni Awra?
Sagot niya, ang Spanish influencer at model na si Cindy Kimberly.
Feeling ni Awra’y babagay ‘yon sa kanya–na sa ngayon ay kailangan pa ng total healing dahil sa pamamaga nito.
======
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

