Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ligtas na pagdaan ng apat na Philippine-registered vessel sa Strait of Hormuz mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 10.
Sa isang pahayag nitong Sabado, kinilala ng DFA ang mga naturang barko na MV Western Doncaster, MV Vivian Trader, MV Lyng Trader, at MV Eva Fuji, na ligtas nang nakalabas sa conflict area sa Persian Gulf.
Ayon sa DFA, ligtas na rin ang 81 marinong Pilipino na sakay ng mga naturang vessel at nagpatuloy na sa kanilang normal na tungkulin, habang ang iba ay uuwi na sa kanilang mga pamilya.
“The Department recognizes the important role of the UN and the IMO in promoting the safety of civilian shipping and innocent seafarers, and establishing the evacuation framework, which has to date, facilitated the safe evacuation of 136 vessels and approximately 2,900 seafarers,” pahayag ng ahensya.
Sinabi rin ng ahensya na patuloy nitong babantayan ang sitwasyon sa Persian Gulf at imo-monitor ang kalagayan ng mga natitirang marinong Pilipino sa rehiyon, kabilang ang mga na-stranded matapos masuspinde ang evacuation operations kasunod ng pagtatapos ng pansamantalang ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

