Dumalo kamakailan ang TV host-actress na si Mariel Rodriguez sa graduation ng Teodoro M. Luansing College of Rosario (TMLC) sa Batangas.
Bale proxy siya ng mister na si Sen. Robin Padilla na hindi pumuwede dahil sa impeachment trial, kung saan isa siya sa mga senator-judge.
Finlex ni Robin ang pagdalo ni Mariel sa Facebook.
Partikular na dinahilan ni Mariel ang
pagtatapos ng mga mag-aaral ng Criminology.
Sa nasabing post, nakasuot ng doctoral regalia si Mariel gayong wala naman siyang doctoral degree na natapos.
Ang doctoral regalia ay mahabang toga na kulay itim o kulay ng university, may bell sleeves at velvet panels.
May mahaba din itong hood na sumisimbolo ng disiplina at isang velvet tam.
Dito na nagtaas ng mga kilay ang mga netizens!
Ayon sa mga ito: “Doctoral degree holder ba si Mariel para magsuot niyan?! Kung hindi, impostora o cosplayer lang siya!”
“Ginawang cosplay ang academic gown…nakakabastos!”
Ano ang reaksyon mo, Mariel?
O, tanggap mong mali ang mga bashers mo?
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

