Naghain ng ‘not guilty’ plea si dating Cong. Mike Defensor kaugnay ng kasong plunder sa Sandiganbayan Third Division nitong Miyerkules, Hulyo 15.
Gayundin ang mga negosyante at kapwa akusado ni Defensor na sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Nahaharap sila sa nasabing kaso dahil sa umano’y P75 milyong campaign donation kay Senador Rodante Marcoleta.
Samantala, hindi pa naa-arraign si Marcoleta dahil nakabinbin pa ang kanyang motion to quash o kahilingang ibasura ang kasong plunder laban sa kanya.
====

Share.