Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng halos P190 milyon para sa pagtatayo ng dalawang modernong municipal fish port sa bayan ng Malalag at Sta. Cruz, Davao del Sur.
Ito ay upang upang mapalakas umano ang produksyon at kabuhayan ng mga mangingisda.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Lunes, makatutulong ang mga pasilidad sa pagbabawas ng post-harvest losses, pagpapabilis ng distribusyon ng isda, at pagpapalakas ng food security.
Target matapos ang Phase 2 ng Malalag Fish Port sa unang quarter ng 2027, habang inaasahang makukumpleto ang Sta. Cruz Fish Port sa unang bahagi ng 2027.
Inaasahan ding lilikha ang mga proyekto ng mga trabaho at magbubukas ng oportunidad sa cold storage, fish processing, logistics, at iba pang kaugnay na industriya, ayon pa sa DA.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

