Sa kabila ng minimum age requirement ng Facebook na hindi dapat bababa sa 13 taong gulang ang mga gumagamit nito, patuloy na nakagagamit ng social media platform ang mataas na porsyento ng mga menor de edad na Pilipino, puna ni Senate President Win Gatchalian.
Gamit ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang batayan, binigyang-diin ni Gatchalian na 87.64% ng mga 12 taong gulang na Filipino internet users ang may social media account, habang 80.76% ng mga 11 taong gulang ang gumagamit ng social media.
Sa mga 10 taong gulang na internet users, 72.86% ang may social media account, samantalang umabot naman sa 93.72% ng mga 13 taong gulang na internet users ang gumagamit ng social media.
“Alam natin na maraming naidudulot na kabutihan ang teknolohiya. Ngunit may kaakibat din itong mga negatibong epekto sa ating mga kabataan, lalo na kung ang paggamit ng mga gadget at iba pang teknolohiya ay hindi namomonitor at hindi nabibigyan ng wastong gabay,” pahayag ni Gatchalian sa isang nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education.
Nauna nang inihain ni Gatchalian ang Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066) na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad na wala pang 16 taong gulang.
Inihain din ni Gatchalian ang Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 627) upang ipagbawal ang paggamit ng smartphones at iba pang electronic devices kapag oras ng klase sa mga public at private schools.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

