Itinaas ng Government Service Insurance System (GSIS) sa P50,000 ang funeral benefit para sa mga kwalipikadong miyembro at benepisyaryo. Dati itong P30,000.
Ang benepisyo ay para sa mga aktibong miyembro, mga hiwalay na sa serbisyo ngunit may karapatan sa retirement o separation benefits, mga old-age pensioner, at mga retirado.
Isang beses lamang ibinibigay ang P50,000 sa kwalipikadong claimant. Uunahin ang lehitimong asawa, kasunod ang lehitimong anak na gumastos sa libing, o sinumang makapagpapakita ng patunay na siya ang nagbayad ng gastos sa libing kung wala ang naunang dalawa.
Kailangang magsumite ng death certificate, valid government ID, at iba pang kinakailangang dokumento. Ang hindi asawa na claimant ay dapat ding magpakita ng patunay na siya ang nagbayad ng funeral expenses.
Ayon sa GSIS, naglalaan ito ng P1.25 bilyon bawat taon para sa funeral benefits na nakatutulong sa humigit-kumulang 21,000 hanggang 25,000 pamilya taun-taon.
Trending
- Spanish teenage nagmarka sa World Cup
- Alex Eala balik Pinas na
- Kyline Alcantara nabiktima ng phishing scam
- Ogie, aminadong hindi bet ang asawa ni Leila
- Bea, sinabing kayang mabuhay nang walang lalaki
- Dumadaming bilang ng menor sa social media, pinuna
- Petitioner sa NCAP may kondisyon
- Dagdag benepisyo sa Philhealth members

