Isinasapinal na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga dokumento sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na cabinet meeting ang fiscal year 2027 national expenditure program na sumasalamin sa pangako ng Marcos administration na panatilihin ang paglago ng ekonomiya at mapalawak ang mga oportunidad para sa mga Pilipino.
Ayon kay acting Budget Secretary Robert Kim de Leon, kabilang sa mga inihahanda na ay budget documents, kabilang na ang annexes at iba pang supporting details upang masiguro ang maayos na transmittal nito sa Kongreso.
Sa ilalim ng panukalang 2027 national budget, sisiguruhing lahat ng pondo ay gagamitin sa mga programa at proyekto na mahalaga para sa nakararaming Pilipino.
Ang DBM ay nananatiling matatag sa pagsusulong ng budget na transparent, tumutugon at nakaangkla sa disiplina ng paggasta, at matiyak na bawat pisong ipinagkatiwala ng mga Pilipino ay makakatulong sa pagtatatag ng mas malakas at matatag na bagong Pilipinas.
Ang pag-anunsiyo sa eksaktong halaga ng naaprubahang 2027 proposed national budget ay ipinauubaya na kay Pangulong Marcos Jr. na inaasahang ihahayag sa kanyang State of the Nation Address.
=====
Trending
- Cebu, Zambo lifters kuminang sa World Youth Championships
- Noskova kampeon sa Wimbledon
- Jasmine, sinabihang laos
- Ken Chan, nagparamdam na
- Regine, nagpaliwanag sa libreng last major concert
- Pantabangan muling lumutang nang matuyot ang dam
- Pulis sugatan sa ambush; trike driver nadamay, patay
- Ex-OWWA chief Ignacio, kinasuhan sa P1.4B land deal

