Inanunsyo ng Revolutionary Guards ng Iran na isasara muna ang Strait of Hormuz hanggang sa susunod na abiso matapos nilang magpaputok ng warning shots at pahintuin ang isang barkong umano’y dumaan sa hindi awtorisadong ruta.
Ayon sa Iran, walang barkong papayagang dumaan sa Strait of Hormuz hangga’t nagpapatuloy ang pakikialam ng Estados Unidos sa rehiyon. Nagbanta rin ang Revolutionary Guards na targetin ang iba pang base ng kalaban kung magkakaroon pa ng panibagong pag-atake laban sa kanila.
Ang Strait of Hormuz ay isa sa pinakamahalagang rutang pandagat sa mundo, kung saan dumaraan ang humigit-kumulang 20 porsiyento ng pandaigdigang kalakalan ng langis at liquefied natural gas (LNG). Dahil dito, anumang pagsasara ng rutang ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng langis at pagkaantala sa pandaigdigang kalakalan.
Patuloy namang iginigiit ng Iran na may karapatan itong kontrolin ang pagdaan ng mga barko sa naturang ruta, habang hinihiling ng Estados Unidos ang malayang paglalayag ng mga sasakyang-pandagat.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

