Pumirma na ng maximum extension ang 7-foot center ng San Antonio Spurs na si Victor Wembanyama.
Umaabot sa $252 million ang kontrata ni Wembanyama sa kaniyang rookie extension na magtatagal ng limang taon.
Kalakip nito ay ang ‘player option’ sa ikalimang season. Ang naturang contract provision ay magbibigay ng pagkakataon kay Wemby na pumili kung mananatili siya sa Spurs sa kaniyang ikalimang taon o tuluyan nang lilipat sa ibang koponan.
Batay sa report ng mga NBA insider, pumayag si Wemby na pumirma ng 25% maximum sa halip na 30% supermax extension, matapos ang serye ng pag-uusap at negosasyon.
Kung natuloy sana ang supermax, aabot sana sa $303 million ang halaga ng kontrata ni Wembanyama sa loob ng karagdagang limang taon na kaniyang pananatili sa San Antonio.
Ang kontrata ng bagitong sentro ay ang ikatlong pinakamalaking rookie extension sa kasaysayan ng NBA. Nananatiling pinakamalaki rito ang naging extension noon ni Cade Cunningham sa Detroit Pistons at ni Evan Mobley ng Cleveland Cavaliers.
Kung babalikan ang pagtatapos ng 2025-2026 season, nagawa ni Wembanyama na dalhin ang San Antonio sa postseason sa tulong ng magandang win-loss record – ikalawang pinakamaganda sa Western Conference.
Umabot din ang Spurs sa NBA Finals matapos nitong pataubin ang defending champion na Oklahoma City Thunder sa conference finals, ngunit tuluyan ding natalo ang koponan sa New York Knicks.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

