Napatunayang guilty si Larry Millete, 44, sa kasong first-degree murder kaugnay ng pagkawala at pinaniniwalaang pagpatay sa kanyang asawang Pinay na si Maya “May” Millete sa San Diego, California.
Nawala si May noong Enero 2021 at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan. Isa siyang civilian employee ng United States Navy.
Batay sa ebidensiyang iniharap ng prosekusyon, pinaniniwalaang pinatay ni Larry ang kanyang asawa sa loob ng kanilang tahanan matapos itong magpahayag ng intensiyong makipagdiborsiyo.
Hinala rin ng mga imbestigador na itinapon niya ang bangkay sa isang lugar na hindi pa natutukoy.
Sa paglilitis, lumabas din na umano’y humingi si Larry ng tulong sa isang mangkukulam upang maibalik ang pagmamahal ng kanyang asawa.
Natuklasan din ng mga awtoridad ang ebidensiyang nag-uugnay sa kanya sa poison hemlock, isang nakalalasong halaman.
Samantala, iginiit ng depensa na ang mga naging kilos ni Larry ay bunsod ng matinding depresyon at ng kanyang hinalang may ibang karelasyon ang kanyang asawa.
Matapos ang anim na linggong paglilitis at halos limang oras na deliberasyon ng hurado, hinatulan si Larry ng first-degree murder.
Wala pang inilalabas na petsa ang korte para sa paghatol ng parusa sa kanya.
Trending
- Victor Wembanyama, pumirma ng $252-M rookie max extension
- Joshua Pacio, naselyuhan ang ONE Strawweight MMA world title
- Housemates sa Bahay ni Kuya, nagsama sa isang pelikula
- Elisse Joson tinawanan akusasyong kabit ng politiko
- Ate Gay ‘di pa cancer free, sumalang sa cyberknife
- Pinoy ‘guilty’ sa pagpatay sa misis na Pinay sa US
- Sakahan winasak ng rumaragasang flash flood
- Matibag inimbita ng FBI

