Kulong ang 18-anyos na teenager nang gumamit ng pekeng pera bilang pambayad sa isang food establishment sa Malabon City.
Sa ulat ng tanggapan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission, napansin ng kahera ng nasabing food establishment sa Brgy., Catmon ang kahina-hinalang anyo ng isang-libong pisong perang papel na ibinayad ng suspek kaya agad itong humingi ng tulong mga pulis at barangay tanod na nasa lugar.
Kaagad namang nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng Police Sub-Station 4, kasama ang mga tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nasamsam sa kanyang pag-iingat ang ilang karagdagang pekeng perang papel na may magkakaparehong detalye.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa umiiral na batas hinggil sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng pekeng salapi.
Nagpaalala naman ni Col. Mission sa publiko na maging mapanuri sa pagtanggap ng pera, lalo na sa malalaking denominasyon at kung may mapansin aniyang kahina-hinalang perang papel, agad itong iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Trending
- Alex Eala haharapin ang tagahanga sa July 15
- Ateneo itinangging empleyado si Baldwin
- “SIGABO” SINITA NG MTRCB
- Kasal ni Ellen kay Derek, malapit nang ma-annul
- Juday gaganap bilang si Nora Aunor
- Komunikasyon palalakasin sa website ng CBCP
- Higit 70 baboy sa Baguio nagpositibo sa ASF
- Inisyatiba sa civil registration pinalawig

