It’s so heartwarming to see a “family date” unfold.
Non-stop ang paghahatid ng kilig nina Bimby Aquino at Ryzza Mae Dizon.
Viral ngayon sa social media ang mga photos nila taken at a resto in a mall.
Ka-date nina Bimby at Ryzza Mae ang kanilang nga respective moms.
Ka-join din ang anak-anakan ni Kris na si Miles Ocampo at so Jenny Ferre.
Hanep ang stamina ni Kris na hindi kinakitaan ng pagkapagod all the way hanggang sa dinner.
Kaaliw din si Kris na nagke-crave din ng mga pagkaing gustong kainin ng dalawang bagets.
Ending–sa steak sila bumagsak na in-enjoy ni Ryzza.
Pabirong banat ni Kris: “First date, kasama ang mga nanay! Hahaha!”
Ani Kris, ganoon daw talaga at baka abutin pa ‘yon ng 10th date nina Bimby at Ryzza Mae with the moms present.
Curious na tinanong ni Kris kung nagkadyowa na ba si Ryzza Mae, who answered no.
Kris revealed kung ano ang gusto ni Bimby for a girlfriend–‘yung maalaga’t maasikaso daw.
Aba, nagpakitang-gilas naman si Ryzza Mae!
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

