Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkoles kaugnay ng paglulunsad ng China ng long-range ballistic missile sa South Pacific.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ang naturang hakbang ay nagpapahina sa tiwala at hindi nakatutulong sa pagsusulong ng dayalogo, diplomasya, at kooperasyon sa rehiyon.
“The Philippines notes with concern China’s launch of an unarmed ballistic missile from a submarine into the Pacific Ocean as part of its military exercise,” ayon sa DFA.
“Relevant Philippine authorities received prior notification of the launch on 5 July. We underscore the importance of maintaining a calm, secure and stable environment in the Indo-Pacific region,” dagdag nito.
Ayon sa Chinese state media Xinhua, isang People’s Liberation Army Navy nuclear submarine ang nagpakawala ng ballistic missile na may dalang dummy warhead sa Pacific noong Lunes.
Nanawagan ang DFA sa lahat ng sangkot na bansa na maging mahinahon, isulong ang transparency, at tiyaking ang lahat ng aktibidad ay naaayon sa mga internasyonal na pamantayan.
Dapat din umanong umiwas ang mga bansa sa mga kilos na nagpapalala sa maling komunikasyon at hindi pagkakaunawaan.

Share.