Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Inday nitong Miyerkoles, Hulyo 8.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo na may international name na ‘Bavi’ na may layong 405 kilometrong silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang 185 kph na lakas ng hangin at pagbugsong umaabot sa 230 kph, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kph
Samantala, itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), ilang bahagi ng Isabela, Apayao, silangang Kalinga, hilagang Aurora, at hilaga at gitnang Catanduanes.
Posible naman umanong humina si Inday bilang isang typhoon simula Huwebes at inaasahang lalabas ng PAR sa Sabado, ayon pa sa PAGASA.
Trending
- DOH nagpaalala sa gitna ng tag-ulan at sirit-kaso ng COVID sa QC
- Batas sa tax-refund sa dayuhang turista, pinagtibay ng SC
- Kings pinakawalan si DeRozan
- Obiena 4th place sa Greece tourney
- Pelikula re EJK, binigyan ng R-16 rating
- Chloe, kinaray sa travel ang Yulo brothers; Angelica, iniwan?
- Heart, iniyabang luxury bag at singsing kahit naospital
- Kakulangan ng HIV drugs sa Pinas, pinaiimbestigahan

