Nanawagan ng suporta si Kapuso Sparkle artist Aira Lopez para mabigyan ng sapat na suporta ang national athlete na si Artjoy Torregosa.
Nakatakda si Artjoy na lumahok para sa Aichi-Nagoya 2026 Asian Games.
Sa latest Facebook post ni Aira nitong Sabado, Hulyo 4, hiniling niya na sana ay hindi na isipin na mga kagaya ni Artjoy ang mga pampinansiyal na gastusin.
“Sana dumating ang araw na hindi na kailangang isipin ng mga atleta natin kung saan kukuha ng gamit pang-training o ng panggastos para lang makalipad at ma-represent ang Pilipinas sa ibang bansa,” saad ni Aira.
Dagdag pa niya, “Panahon na para mas bigyan natin ng pansin ang larangan ng sports at ang mga atletang patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.”
Ito ay matapos niyang maiposisyon ang sarili bilang 1st place sa Semi-Elite Category ng 2026 Tokyo Marathon.
Si Artjoy ang kasalukuyang may hawak ng Philippine national women’s marathon record na may oras na 2:33:54.
Nalampasan niya ang previous record ni Mary Joy Tabal noong Mayo 2016 na nakapagtala na natapos ang marathon sa loob ng 2:43:41.

Share.