Wala nang urungan dahil tuloy na tuloy na ang pinakahihintay na tambalan nina Vic Sotto at Vice Ganda para sa kanilang pelikulang isasali sa Metro Manila Film Festival 2026.
Bagama’t magkatapat sa noontime television ang “Eat Bulaga!” at “It’s Showtime,” magsasama naman ang dalawang comedy icons sa malaking proyekto na co-produced ng Star Cinema, The IdeaFirst Company, at M-Zet Productions.
Dahil dito nga ay may espesyal na mall event silang dalawa ngayong Linggo sa Gateway 2 sa Araneta City kung saan opisyal na ipakikilala ang kanilang pelikula sa publiko.
Ayon sa isang source ni Jun Lalin, plano sanang ilihim muna ang naturang announcement, ngunit napaaga ang pagbubunyag matapos itong maipost ng isang singer sa social media.
Agad naman umano itong nabura matapos mapagsabihan.
Excited na rin umano sina Vic at Vice sa kanilang kauna-unahang pagsasama sa isang pelikula, bagay na matagal nang hinihiling ng kanilang mga tagahanga.
Dahil dito, marami rin ang nagtatanong kung posible kayang mag-crossover ang dalawa sa kani-kanilang noontime shows para i-promote ang kanilang MMFF entry.
=====
Trending
- Alex Eala fan mode sa Princess of Wales
- Aira, nanawagan ng suporta para kay Artjoy
- JM Ibarra, pinuri nina direk Joey at direk Joel
- Vic Sotto, Vice Ganda sa MMFF 2026
- Anjo, makikipag-ayos sa TVJ?
- Obispo, sinagot kung nasaan ang Simbahang Katolika
- Estero clean-up drive, inilunsad ng gobyerno
- Parusa ng China kay Teodoro ‘di nakakatulong’

