pinagdiinan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na dapat pang pag-aralang mabuti ang ilang mga panawagan kaugnay sa pagpapababa sa edad ng criminal liability at responsibility sa bansa.
Kasunod ito ng sunod-sunod na krimeng naganap sa iba’t ibang panig ng bansa, na kinasangkutan ng mga menor de edad na suspek.
Sa isinagawang Kapihan with the Media nitong Linggo, Hulyo 5 (oras sa Pilipinas), iginiit ni PBBM ang pangangailangang pag-aralan ang naturang proposal.
“On the other side of that question—whether we should lower the age of [criminal liability]… Yeah, but no, they even talking down to 12 years old,” saad ni PBBM.
Aniya, “I’m not sure how that will work—if we have to—we have to study it further.”
“‘Yong mga… ating mga child psychologists, ‘yong mga service na ginagawa about the mental health of children, kailangang pag-aralan nang mabuti ‘yan,” dagdag pa niya.
Anang Pangulo, tila ba ang pagpapababa umano sa criminal responsibility ay isang patunay na ang mga kabataan ay nagbago kumpara sa mga nagdaang taon.
“Because if we are lowering the age of responsibility for such crimes, then it would imply that children have changed from before,” anang Pangulo.
Giit niya, “So whereas they are… if they under 18, under 16, nagbago ba ang pag-iisip ng mga bata? I mean, I’m not saying that that’s not the case, it’s possible. Nag-iba ‘yong mundo e, iba ‘yong exposure ng mga bata e, iba ‘yong exposure nila sa social media.”
“E no’ng lumalaki ako, wala namang ganiyan, e. So, maybe that has an effect. We’re not sure. But we’re studying it very very well,” dagdag pa ni PBBM.
Matatandaang nauna nang inihayag ng Palasyo na bukas si PBBM sa usaping pababain ang criminal responsibility sa bansa.
“Depende po ‘yan, kasi kung ano po ang makikita na version ng Pangulo—at kung ito naman ay mas makakabuti sa ating mga kabataan, sa pagpapatupad ng ating batas, ay sasang-ayunan naman po ng Pangulo ‘yan,” saad ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing kamakailan.
Trending
- Alex Eala fan mode sa Princess of Wales
- Aira, nanawagan ng suporta para kay Artjoy
- JM Ibarra, pinuri nina direk Joey at direk Joel
- Vic Sotto, Vice Ganda sa MMFF 2026
- Anjo, makikipag-ayos sa TVJ?
- Obispo, sinagot kung nasaan ang Simbahang Katolika
- Estero clean-up drive, inilunsad ng gobyerno
- Parusa ng China kay Teodoro ‘di nakakatulong’

