Affected to the core si Jasmine Curtis-Smith sa INC rally recently.
The actress couldn’t help but express her thoughts about it on social media.
“OA” ang mga posts ni Jasmine X sa idinulot nitong traffic jam sa kahabaan ng Edsa.
At first, she reposted the horrible traffic na may caption na three angry emojis.
Ni-repost din ni Jasmine sa X ang news video tungkol sa pagsasaayos ng mga pulis sa mga
bus na nakahambalang sa Edsa.
She wrote: “Tow them, bakit may negotiations? Lol.”
Ni-repost din niya ang isang video from a different report kung ginawan na ng aksyon ng MMDA ang ilang sasakyan.
Again, emote niya: “They should have towed all the buses illegally parked, anong hinintay?”
Nireplayan naman ‘yon ng isang netizen: “@MMDA, may magandang tanong si @jascurtissmith.”
Oo nga naman, paki-explain kung bakit in-enjoy ng mga bus na ‘yon ang “tow-free” privilege?
At press time ay sinabi naman ng MMDA na inisyuhan na nila ng mga ticket ang mga illegally parked vehicles alinsunod sa No Contact Apprehension Policy.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects

