Nasawi ang isang mataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter-Burgos Faction sa isinagawang operasyon sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang naapatay na lider na si Esmael Abubakar alias “Bungos,” Chairman ng BIFF-Bungos Faction.
Ayon kay Lt Genl Donald M. Gumiran, Commander Western Mindanao Command, 2:00 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng 601st Infantry Brigade sa ilalim ng 6th Infantry (Kampilan) Division/Joint Task Force Central at Maguindanao del Sur Police Provincial Office (PPO) sa Barangay Calsada, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng multiple warrants of arrest sa kasong Murder, Multiple Attempted Murder, Multiple Frustrated Murder, and Destructive Arson na ipinalbas ng korte laban sa suspek.
Nabatid na si Abubakar ay dating Vice Chairman for Political Affairs ng BIFF-BIFM sa ilalim ni Ameril Umbra Kato bago bumuo ng sarili niyang BIFF-BUNGOS Faction.
Itinuring na High Value target ng Western Mindanao Command si Abubakar nang pangunahan ang iba’t- ibang pag-atake, pambobomba gamit ang improvised explosive devices, pananambang, at iba pang mararahas na insidente laban sa mga pwersa ng pamahalaan.
Sinabi ni Gumiran na ang matagumpay na operation laban kay Abubaka sanhi ng matatag na cooperation sa pagitan ng AFP at Philippine National police at pakikipagtulugan sa Komunidad sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan.(Mark Oblaeada)
===
Trending
- EALA TUMABO NG P75-M PRIZE; DISKARIL KAY PAOLINI
- France tinalo ang Paraguay
- Serena Williams umatras sa doubles ng Wimbledon dahil sa injury
- Stay-in assistant, dumipensa kay Heart
- Jasmine, pumalag sa INC rally
- Ina, may mahalagang tip sa anak na babae
- Lider ng BIFF patay sa engkuentro
- DICT nagsagawa ng hakbang vs online recruitment ng mga menor de edad

