Kinumpirma ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Usec. Aboy Paraiso na may kinalaman umano ang nihilistic violent extremist (NVE) groups sa mga naiulat na karahasan sa paaralan sa Pilipinas.
Ito ay matapos siyang tanungin sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros noitong Miyerkules, Hulyo 1.
“Usec. Paraiso, matanong din lang po kung mako-confirm n’yo…na ito ngang mga reports of incidents of school violence dito sa ating bansa ay related na nga sa NVE?” usisa ni Sen. Risa.
“Yes,” sagot ni Usec. Paraiso, “we can confirm na marami ho dito sa nangyayari sa ating mga school shootings as mentioned by various resource persons na connected ho dito sa NVEs group na ‘to.”
Matatandaang kamakailan lang ay ipiatupad ng CICC ang pansamantalang pagbabawal sa online gaming app na “GoreBox,” na iniuugnay sa shooting incident sa Tacloban City noong Hunyo 22.
Ang GoreBox ay isang chaotic physics-driven sandbox kung saan nagtatagpo ang creativity at destruction.
Ayon kay Usec. Paraiso, pansamantala nilang pinagbawal ang naturang online gaming app upang mapigilan ang iba pang grupo na isagawa ang masasama nitong balak.
====

Share.