Lusot sa pamantayan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang larong Roblox dahil nakikipag-ugnayan naman daw sa mga awtoridad ang mga developer ng naturang laro.
Ang Roblox ay isang global online platform at game creations system na patok ngayon sa kabataan dahil maaari silang makapaglaro at makalikha ng mga 3D games na kadalasang may genre na role-playing, obstacle courses, puzzle games, at iba pang viral games na nakaangkla madalas sa viral events.
Sa naging pahayag ni DICT Sec. Henry Aguda sa panayam sa kaniya ng media nitong Lunes, Hunyo 29, 2026, sinabi niyang sumunod naman daw ang mga developer ng Roblox sa paglalabas ng age based restriction na “Roblox for Kids” at “Roblox Select.”
“In fairness, sabi naman ni Roblox, ‘yong dalawang requirement na ‘yan [ay]within the year. So may anim na buwan pa naman. Sumunod sila doon sa mga age based restriction, Roblox Kids, Roblox Select,” pagsisimula niya.
Ani Aguda, humingi rin naman daw ng palugit ang Roblox na makapagtayo ng kanilang korpaorasyon sa loob ng Pilipinas bago matapos ang taong 2026.
“‘Yon namang magtatayo ng corporation dito at gagamitin ‘yong Phil Sys [ID System], within the year ang hinihingi nila na palugit,” aniya.
Dagdag pa niya, “Kami naman, ‘O, sige. Sumunod kayo doon sa iba. Kailangan n’yong aralin.’ Kasi malaking desisyon ‘yon, mag-locate sa Pilipinas.”
Pagbibida pa ni Aguda, baka nga raw magkaroon ng posibilidad na maging data center ng Roblox ang Pilipinas batay raw sa desisyon ng mga developers ng naturang laro.
“In fact, ang isa sa desisyon nila, baka nga ‘yong data center nila [ay]dito rin,” aniya.
Pagtuon naman ni Aguda sa larong GoreBox, mananatili raw naka-ban sa Google Play Store ng Pilipinas ang naturang laro hanggang hindi nila napapatunayang ligtas ang paglalaro nito para sa mga menor de edad.
“Sa akin kasi, ‘yong GoreBox, kinausap namin si Google Play Store. Sabi namin, ‘I-bloc n’yo muna. Hangga’t hindi natin napapatunayan na puwede niyang i-screen ‘yong 18 years old [pababa],’” aniya.
“Si GoreBox, to be fair naman, nakalagay sa kaniya ‘18+.’ Pero huwag naman nating ibigay ‘yong responsibilidad sa mga magulang kaagad. Dapat bago ma-download, malaman mo na 18 siya,” pagtatapos pa niya.
Pagtitiyak ni Aguda, hinihingi na raw nila sa Google Play Store kung may safety measures ang GoreBox para malaman nitong nagpapanggap lang ang isang menor de edad na 18 pataas ang kanilang edad para magamit ang naturang laro.
Trending
- POC inanunsyo Alas Pilipinas pools para sa Asian Games
- EJ Obiena sumungkit ng unang outdoor gold sa Poland
- Kris, may sweet message kay Josh
- Teejay Marquez, adik sa spa
- Maris, waging best actress
- Programa laban sa inflation, ipagpapatuloy
- Bonoan kukuning state witness ng Ombudsman sa flood control scandal
- Mandatory inspection sa school bags

