Nanawagan ang Ateneo de Manila University ng respeto, katotohanan at pagkakaisa matapos ang pagkalat umano ng masasakit at walang basehang impormasyon laban sa kanilang men’s basketball team.
Sa isang pahayag, sinabi ng unibersidad na habang patuloy nilang ipinagluluksa ang pagpanaw nina Rene Clert “Bobet” Baterbonia at Divine Adili, mahalagang manatiling nagkakaisa ang komunidad sa gitna ng mabigat na panahon.
Ayon sa Ateneo, may ilang indibidwal na patuloy na nagpapakalat online at offline na “hurtful, baseless, and dangerous rumors” na nakakaapekto sa kanilang student-athletes, kanilang pamilya at sa buong komunidad ng unibersidad.
Binigyang-diin ng paaralan na hindi makatarungan ang pagtutok ng mga maling paratang sa mga atleta, gayundin sa mga estudyante, guro at empleyado ng Ateneo.
Tiniyak ng unibersidad na susuportahan at poprotektahan nito ang kanilang mga student-athlete, athletics staff at mga pamilya nila.
Kung kinakailangan, sinabi rin ng Ateneo na handa itong magsagawa ng legal na aksiyon laban sa mga sangkot sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
Hinimok din ng Ateneo ang publiko at kanilang komunidad na i-report ang anumang insidente ng pangha-harass, pagbabanta o maling impormasyon sa mga tamang awtoridad.
“Directing hate and threats against anyone will not be tolerated, especially as we work together to heal from this tragedy,” pagtatapos nito.
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan

