Nagbukas ng damdamin si Coco Martin tungkol sa isa sa mga pinakamasakit na komentong natatanggap niya bilang direktor at producer.
Sa panayam kay Gary Valenciano, inamin ni Coco na dumating sa puntong nasaktan siya nang marinig ang ilang katrabaho na tinatawag siyang masungit at sobrang perfectionist.
“No’ng time ng ‘Probinsiyano’, nasaktan ako do’n,” pag-amin ng aktor.
Ipinaliwanag niyang ang pagiging istrikto niya sa trabaho ay hindi para sa sarili kundi para matiyak na magtatagumpay ang proyekto at tuloy-tuloy ang kabuhayan ng mga taong umaasa rito.
“Kapag nagtatamad-tamaran na ‘ko, binalewala ko, babagsak na ‘yan. ‘Pag bumagsak ‘yan, lahat tayo mawawalan ng trabaho,” ani Coco.
Ayon sa kanya, kahit mawalan man siya ng proyekto noon ay may kinikita pa rin siya dahil sa kontrata, ngunit iba ang sitwasyon ng maraming miyembro ng production team na direktang maaapektuhan kapag natigil ang programa.
“Hindi nila nakita ‘yon. Hindi na-appreciate ng ibang mga katrabaho ko ‘yon,” dagdag pa niya.
Samantala, pinuri naman siya ng partner na si Julia Montes at inilarawan sa isang salita bilang “selfless.”
Ayon kay Julia, laging inuuna ni Coco ang kapakanan ng ibang tao bago ang sarili niyang interes.
“More than anything, last lagi ‘yung sarili niya,” ani Julia.
====
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan

